Ilang kalsada at tulay sa Pampanga na napinsala ng lindol, binuksan na

Bukas na sa mga motorista ang ilang kalsada at tulay sa Pampanga na napinsala ng 6.1 magnitude na lindol noong Lunes.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, ang mga ito ay ang Consuelo Bridge sa Floridablanca at ang East Lateral Megadike sa Bacolor.

Nagtamo ng pinsala partikular ng mga bitak o crack ang mga nasabing tulay at kalsada dahil sa malakas na lindol kaya isinara sa trapiko.

Nagsagawa kaagad ang mga tauhan ng DPWH ng  crack sealing at after embankment sa mga nasirang tulay at kalsada para madaanan na ng mga motorista sa lalong madaling panahon.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *