Ilang kalsada sa Santa Rosa City, Laguna binaha dahil sa ulan na dala ng Ulysses

Baha na ang ilang kalsada at mga lugar sa Santa Rosa City, Laguna bunsod ng malakas na ulan dala ng bagyong Ulysses.

Ayon sa city government, kabilang sa binaha ay ang ilang bahagi ng Arcillas Boulevard, Masiit/Pooc, Rizal Boulevard, SM Sta Rosa, Tiongco Subdivision, Central 2, F. Gomez, LM Subdivision, Santa Rosa Community Hospital at Ciudad Grande Subdivision.

Sa pinakahuling monitoring ng LGU, mataas na rin ang lebel ng tubig sa mga ilog sa Santa Rosa.

Mabilis at malakas din ang agos ng tubig partikular sa Salangbago sa Brgy. Tagapo.

Pinayuhan ang mga residente na mag-ingat at lumikas kung mataas ang tubig sa kanilang lugar.

Nagdeploy na ang lokal na pamahalaan ng mga truck para sa rescue operation sa mga ililikas na residente at transport assistance sa mga naistranded na pasahero.

Moira Encina

Please follow and like us: