Ilang kalye sa QC, sarado para Road Reblocking at Repair ng DPWH

Hanggang bukas pa, May 10 ng alas-5:00 ng umaga matatapos ang isinasagawang Road Repair at Reblocking sa ilang kalsada sa Quezon City.

Ayon sa Department of Public works and Highways (DPWH), kabilang sa mga kalyeng ito ay ang EDSA Northbound near corner Kaingin Road, Quezon City, Fairview Ave. Regalado Ave. (North) to Yakal St. (2nd lane from sidewalk).

Inaabisuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang makaiwas sa abala.

Sinimulan ang repair at reblocking alas-11:00 ng May 7.

Please follow and like us: