Ilang korte sa Batac City, Ilocos Norte sarado dahil sa Bagyong Maring

Pisikal na sarado ang ilang korte sa Batac City, Ilocos Norte dahil sa Bagyong Maring.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, sinabi na isinara simula 11:00 ng umaga ngayong Lunes ang Regional Trial Court at Municipal Trial Court In Cities ng Batac City, Ilocos Norte.

Inanunsiyo rin ng SC PIO na pisikal na sarado naman simula 2:00 ng hapon ang Brooke’s Point, Palawan RTC Branch 165, 6th MCTC, at 9th MCTC dahil sa masamang panahon.

Samantala, isinailalim sa lockdown ang Hall of Justice ng La Trinidad, Benguet simula October 11 hanggang 13.

Moira Encina

Please follow and like us: