Ilang Korte sa Quezon province, pansamantalang isinara

Sarado pansamantala ang ilang hukuman sa lalawigan ng Quezon.

Ang mga ito ay ang Calauag, Quezon Municipal Trial Court, at ang Branch 59 at Branch 56 at 167 ng Lucena, Quezon Regional Trial court.

Ipinag-utos ang Physical closure ng Calauag MTC mula August 10 hanggang 14 matapos na isailalim sa Modified ECQ ang District 1 ng Calauag, Quezon kung saan matatagpuan Municipal Trial court.

Sarado naman ng 14 na araw o mula August 11 hanggang 25 ang Lucena RTC Branch 59 matapos magpositibo sa covid-19 ang isang kawani.

Ang mga close contacts ng nagpositibo na may sintomas ay inatasang magpa-  RT PCR swab test habang ang mga asymptomatic ay kailangang sumailalim sa strict home quarantine.

Sasailalim naman sa swab test ang mga kawani ng Lucena RTC Branch 56 kaya isasara ang hukuman mula August 12 hanggang 14 o hanggang kailan lumabas ang resulta ng kanilang Covid test.

Ganito rin ang utos sa mga Court Personnel branch 167 dahil sila ay nasa parehong opisina at gumagamit ng parehong pasilidad.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: