Ilang Korte sa San Pedro city, Laguna, isinara matapos magpositibo sa Covid-19 ang ilang kawani

Ipinag-utos ang pagsasara ng ilang Hukuman sa San Pedro city, Laguna matapos may magpositibo sa Covid -19 na mga Court employees.

Sa memorandum ni City Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Executive Judge Jeanette Bilan-Capili, sinabi na sarado hanggang sa August 21 ang MTCC Branch 1.

Nabatid na nagpositibo sa virus ang isang kawani ng nasabing Korte at ang mister nito.

Isinara din ang San Pedro City Regional Trial Court Branch 169 at 31 hanggang sa August 25.

Ito ay alinsunod sa Memorandum ni Executive Judge Sonia Yu-Casano makaraang magpositibo sa Covid ang isang Court personnel.

Inatasan ang lahat ng mga kawani na sumailalim sa strict home quarantine sa loob ng 14 na araw at magsagawa ng contact tracing.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: