Ilang linggo bago ang eleksyon, bilang ng nasawi sa US dahil sa Covid-19, halos 200,000 na

Halos malapit nang umabot sa 200,000 ang bilang ng namamatay dahil sa covid-19, ilang linggo bago ang November election sa Estado Unidos.

Ayon sa isang rolling tally ng Johns Hopkins University, 199,531 mga amerikano na ang namatay at 6.8 million naman ang kumpirmadong nahawaan.

Ilang buwan nang ang US ang may pinakamataas na official death toll sa buong mundo, na sinusundan naman ng Brazil at India.

Sa pangkalahatan, dalawampung porsyento ng mga namamatay dahil sa coronavirus sa buong mundo ay nasa US.

Ayon sa mga kritiko, ang statisctics ay naglantad sa kabiguan ng Trump administration na makapasa sa pinakamahigpit na pagsubok, bago ang November 3 election.

Sinabi ni Tom Frieden, direktor ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na ang covid ang magiging pangatlong pangunahing sanhi ng pagkamatay ngayong taon sa US.

Ayon naman kay Eric Topol, direktor ng Scripp Research Institute, malamang na naabot na ng US ang 200,000 pagkamatay noon pang July, dahil ang inisyal na kakulangan sa mga isinagawang tests ay nagbunga ng “undercount” sa mortality rate.

Dagdag pa ng mga kritiko, tinalikuran ni Trump ang responsibilidad at ipinaubaya na lang sa mga state governor ang pagharap sa krisis, at pagpapasya sa pagpapatupad ng lockdowns.

Agence France-Presse

Please follow and like us: