Ilang mag-aaral sa SJDM, pinagkalooban ng mga Tablet at Pocket Wifi na magagamit sa online class

SJDM – PIO

Namahagi ang lokal na pamahalaan ng SJDM ng mga Tablet at pocket wifi para sa mga kabataang mas higit na nangangailangan, para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Bilang pag-iingat ay personal itong inihatid sa kani-kanilang mga tahanan, upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan sa banta ng COVID-19.

Sinisikap din ng pahamalaang lungsod ng SJDM, sa pangunguna ni Congresswoman Rida Robes, na makapagbigay ng mas marami pang gadgets para sa mga estudyante sa lungsod.

Samantala, walong panibagong Covid-19 recoveries ang muling naitala sa lungsod, habang lima naman ang panibagong kaso at isa ang nadagdag sa nasawi.

Sa kabuuan ay may 1,239 o 87% na recoveries na ang lungsod, 1,427 naman ang kabuuang bilang ng mga confirmed cases ngunit 121 o 8% na lamang dito ang active cases, at 67 o 5% ang kabuaang bilang ng mga namatay.

Aianna Vayne Riel

Please follow and like us: