Ilang mga kalye sa Quezon at Caloocan city, isasailalim sa road repair ngayong weekend

Inabisuhan ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang mga motorista  na magsasagawa ito ng pagkukumpuni sa ilang mga kalsada sa Quezon City at Caloocan City ngayong weekend.

Ayon kay DPWH National Capital Region Director Melvin Navarro, ang road reblocking sa anim na mga kalsada ay magsisimula mamayang alas-onse ng gabi at matatapos sa Lunes, February 12 ganap na ala-5 ng madaling araw.

Sa Quezon City, gagawin ang pagkukumpuni sa Northbound direction ng Visayas Avenue sa harap ng Department of Agriculture, inner lane; bahagi ng EDSA pagitan ng Landers Street hanggang Howmart 5th Lane; Congressional Avenue Extension bago mag-Visayas Avenue, 1st lane; Congressional Avenue mula EDSA hanggang Cagayan Street, 3rd lane.

Kukumpunihin din ang northbound ng Quirino Highway mula T. Urbano hanggang Pagkabuhay Road, inner lane; at ang southbound direction ng A. Bonifacio Avenue pagtawid ng Sgt. Rivera, inner lane.

Sasailalim din sa road repair ang northbound direction ng Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan City.

Dahil dito pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta para hindi sila maabala sa inaasahang pagsisikip ng trapiko sa nasabing lugar.

Ulat ni Moira Encina

===   end   ====

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *