Ilang negosyo sa Batangas, apektado ng paglindol

Umaaray na ang mga may-ari ng ilang resort at negosyo sa Bayan ng Mabini dahil sa nangyaring lindol sa batangas.

Ang Anilao sa Mabini Batangas ang isa sa mga dinadayo ng turista at divers lalo na tuwing summer dahil sa mala paraisong white sand beaches, pristine island at malawak na coral reefs.

Pero ayon sa ilang may-ari ng resort, mula nang mangyari ang lindol, matumal ang dating ng mga turista at nabawasan ang mga nagpupunta sa mgabeach resort.

May mga nagkansela na ng kanilang booking para sa diving at snokling lesson matapos ang nangyaring lindol.

Matumal rin ang bentahan ng mga pampasalubong.

Ang mga bangkero naman,  inirereklamo rin ang  matumal na dating ng mga pasahero at turista

Kung dati rati nakakabyahe sila ng lima hanggang anim para sa island hoping, ngayon dalawa hanggang tatlo na lamang.

Hanggang ngayon, kanselado pa rin ang diving, snorkeling at iba pang sports activity sa Mabini Batangas.

Samantala, hanggang ngayon sarado pa rin ang ilang ospital at business establishment sa bayan ng Mabini.

Kailangan munang i-asses ang lawak ng pinsala ng lindol sa kanilang mga istruktura bago tuluyang makapag-operate.

Apela nila sa gobyerno, bigyan sila ng ayuda dahil sa epekto sa kanilang kabuhayan nang nangyaring lindol.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *