ilang opisina ng DOLE sa Maynila isinailalim sa lockdown

Isinailalim sa lockdown ang ilang tanggapan ng Department of Labor and Employment na nasa Maynila.

Kabilang sa mga naka lockdown ay ang DOLE central office sa Intramuros, at mga tanggapan nito sa BF condominium na nasa Intramuros rin at opisina sa Antonino Bldg. na nasa Kalaw.

Ang lockdown sa mga nasabing opisina ay sinimulan kahapon upang bigyang daan ang gagawing disinfection.

Ito ay matapos nagpositibo sa COVID- 19 ang 3 empleyado ng DOLE.

Tiniyak naman ng DOLE na ipinatupad nila ang lahat ng safety at health measures upang maiwasan pa ang pagkalat ng virus.

Bukas naman, may mga papasok na umanong empleyado sa mga nasabing tanggapan ng DOLE pero paiiralin ang skeletal system at mga may essential duty lamang ang papasukin.

Magbabalik naman sa normal na operasyon sa mga nasabing DOLE office simula sa Lunes, Marso 22.

Madz Moratillo

Please follow and like us: