Ilang Parke sa Maynila bubuksan ngayong holiday season

Kasabay ng nalalapit na Holiday season, ilang Parke sa Maynila ang bubuksan para sa ating mga kababayan. 

Ayon kay Cecille Lorenzana Romero, ang executive director ng National Parks Development Committee, kabilang sa mga bubuksan ang Luneta Park at ang Paco Park.

Pero dahil may banta pa rin ng COVID-19, asahan na ang mahigpit pa ring pagpapatupad ng health protocols.

Simula bukas, Disyembre 3, bukas ang Luneta Park mula 5:00 am hanggang 9:00 am at 4:00 pm hanggang 9:00 pm.

Bukas din ang Luneta Park sa December 25 at at Bagong Taon.

Ang Paco Park, pwedeng bisitahin sa pagitan ng 6:00 am hanggang 11:00 am. 

Nagpaalala naman si Romero na mahigpit paring ipapatupad ang minimum health standards bilang pag-iingat sa COVID-19. 

Mahigpit rin aniyang ipapatupad ang physical distancing, kaya naman sa Luneta Park ay limitado lang ang papayagan makapasok. 

Ang lahat ng papasok, kailangang magsuot ng face mask, kukuhanan ng temperatura at kailangang sumagot sa contact tracing form.

Madz Moratillo

Please follow and like us: