Ilang smugglers ng Agricultural products pinangalanan sa pagdinig ng Senado

Pinangalanan na ni Senador Raffy Tulfo ang apat na umano’y smugglers ng gulay at mga kaibigan umano ng mga opisyal ng Department of Agriculture.

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang pondo ng DA, tinukoy ni Tulfo sina Michael Yang na nag- ooperate at nagpapasok ng gulay sa iba’t ibang bahagi ng  bansa.

Isang andrew chang – na umano’y nag-ooperate sa Manila International Container Port,

Lea cruz na nag-ooperate sa Cagayan de Oro at Manuel Tan sa Subic at CDO.

Ayon kay Tulfo, nagmamaang-maangan ang mga taga DA na hindi nila kilala ang mga smuggler.

Depensa naman ng DA kumikilos naman sila laban sa mga Smuggler.

Plano naman ng Pangulo na magtatag ng Office of regulation na siyang tututok sa Agri smuggling.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.