Ilang VCM sa Lucena city, hindi gumagana

Naantala ang botohan sa ilang Barangay sa Lucena city dahil sa mga hindi gumaganang Vote Counting Machines o VCM.

Kabilang sa mga nagkaproblema sa VCM ang Lucena South 1 Barangay Cotta at Lucena East 5 sa Barangay 4.

Ayon naman sa Board of Electoral Inspector, para di maantala ang pagboto ay sinunod muna nila ang payo ng Comelec na magpaboto subalit pansamantala ay iniipon muna sa isang box ang mga balota na may boto na.

Hihintayin muna nila ang taga-Smartmatic para maayos ang VCM.

Pumayag naman ang ilang botante na maghintay sila hanggang maayos ang VCM.

Allan Llaneta

Please follow and like us: