Ilo-ilo Provincial Government, inilunsad ang programang Resilience of Iloilo in Mind and Emotion

Inilunsad na ng Provincial Government of Ilo-ilo ang kanilang Program for the Resilience of Iloilo in Mind and Emotion. 


Layon ng programang ito na pangalagaan ang kalusugang pangkaisipan at emosyonal ng mga taga ilo-ilo sa gitna ng pandemya sa bansa dulot ng Covid 19.


Bahagi din ito ng programa ng lalawigan na Rehabilitation and Transformation  of the Province to Catalyze Recovery o RT-PCR. 


Magiging katuwang dito ng Pamahalaang panlalawigan ng ilo-ilo ay ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa bawat barangay sa lalawigan para matukoy ang mga problema sa bawat barangay, lalo na ang pangangailangan ng mga kabataang nag-aaral sa ilalim ng blended learning approach ng DepEd. 

photo credit: Balita Halin Kapitolyo

Ulat ni Raindel Servento

Please follow and like us: