Ilocos Norte, nakapagtala ng 8 bagong kaso ng COVID-19

Patuloy ang pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Ilocos Norte.

Katunayan, walong bagong kaso ang naragdag na lahat ay pawang asymptomatic at naka-isolate na.

Karamihan sa mga ito ay market vendor sa Laoag city, kayat isinailalim na sa lockdown ang nabanggit na pamilihan.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 379 ang COVID-19 cases sa Ilocos Norte, kung saan 196 ang active cases, 181 ang gumaling na at 2 ang namatay.

Ulat ni Butz Asuncion

Please follow and like us: