Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog, naghain ng sick leave para makapagpagamot sa ibang bansa

Nag-file ng sick leave si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog para makapagpagamot sa ibang bansa.

Ayon kay Atty. Mark Piad, tagapagsalita ni Mabilog, noong Lunes pa, Setyembre 11 naka-sick leave na si Mabilog na tatagal hanggang sa katapusan ng buwan.

Ito’y matapos na ma-diagnosed si Mabilog ng pagkakaroon ng diabetes mellitus type 2 na dulot ng naranasang stress at kailangang sumailalim sa gamutan sa ibang bansa.

Dagdag ni Piad, noon pang Agosto 28 ay nakapagsumite na si Mabilog ng medical certificate bago ito umalis palabas ng bansa.

Itinanggi naman ni Piad ang ulat na tumakas si Mabilog at naghahanap na ng political asylum sa ibang bansa.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *