Iloilo Provincial Gov’t., binabalangkas na ang pagkakaroon ng ‘watershed’ sa buong lalawigan

Binabalangkas na ng mga opisyal ng  Pamahalaang panlalawigan ng Iloilo na magkaroon ng kongkretong plano para sa pagkakaroon ng Watershed Management Plan. 


Ito ay may kaugnayan sa kanilang Pro-environment and Disaster Mitigation Efforts ng kanilang lalawigan.  


Ayon kay Governor Arthur Defensor, pagtutuunan dito ng mga opisyal ang mga long term solution sa kanilang problema sa suplay ng tubig. 


Sinabi pa ng gobernador na kasama din dito ang binuo nilang konseho na ‘galing sa iba’t ibang departamento at ahensya na magbabalangkas ng mga plano kasama na ang pangangasiwa sa watersheds sa buong Iloilo at sa iba pang mga lugar na mapagkukunan nila ng malinis na tubig.

Ulat ni Raindel Servento

Please follow and like us: