Iloilo Provincial Gov’t bumuo na ng 24/7 Civil Defense Operations Center

Bumuo na ng isang 24/7 Civil Defense Operations Center (CDOC) ang Iloilo Provicial Government para mapalakas nito ang aksyon at pagresponde ng pamahalaan sa anumang uri ng sakuna at kalamidad na nangyayari sa buong lalawigan.

Ayon kay Iloilo Governor, Arthur Defensor, masusubaybayan din nito ang iba’t ibang uri ng mga kalamidad sa lalawigan katulad ng bagyo.  

Sinabi pa ng gobernador na ang Operations Center ay magsisilbing head ng disaster crisis sa buong iloilo katulad ng pagtugon sa pandemiya sa kasalukuyan dala ng Covid 19. 

Magtatalaga ang gobernador ng Emergency Response Team at maglalaan ng mga ambulansya’t sasakyan na agad na tutugon sa anumang uri sakuna na mangyayari sa lalawigan.

Ang Tanggapang Pampamahalaan ng lalawigan sa Iloilo

Ulat ni Raindel Servento

Please follow and like us: