Impeachment case laban kay Pang. Duterte tinawag na useless exercise ni dating Sen. Enrile

Tinawag na useless exercise ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang inihaing impeachment complaint ng grupong Magdalo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Enrile, hindi maaring gamiting grond sa kasong culpable violation of the constitution ang umano’y  mga kaso ng pagatay sa anti drug campaign ng Pangulo.

 “I cannot read any culpable violation for a president to do that, how do you define law enforcement where is the distinction law enforcement and genocide or whatever”- Sen. Enrile

Malabo rin ayon kay Enrile na mapatalsk sa pwesto ang Pangulo kung ang gagamiting batayan ay payagang makapaglayag ang mga barko ng China sa Benham Rise at Panatag Shoal.

Iginiit ni Enrile na walang nalabag na batas ang Pangulo nang makipagkasundo sa China kung sa tingin nito ay makabubuti ito para sa bansa.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us: