Inquest proceedings ng mga piskalya, isasagawa online sa panahon ng ECQ sa NCR

Wala pang natatangap na kautusan ang Department of Justice (DOJ) mula sa Malacañang kung isasara ang mga tanggapan nito sa panahon ng ECQ sa Metro Manila.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, hihintayin nila hanggang sa Miyerkules ang direktiba mula sa Office of the President ukol sa magiging pasok at operasyon ng DOJ at National Prosecution Service.

Kung wala aniyang matanggap silang kautusan ay nangangahulugan na work from home muna ang mga kawani ng DOJ.

Ito ay maliban aniya sa skeleton staff sa frontline service ng DOJ na tatanggap ng mga dokumento kahit may lockdown.

Sinabi pa ng kalihim na online ang isasagawang inquest proceedings habang nasa ilalim ng ECQ ang NCR.

Moira Encina

Please follow and like us: