Intel funds ng gobyerno sa 2018 mas malaki

Malaki ang madadagdag  sa intelligence funds ng gobyerno sa susunod na taon.

Batay sa 2018 National Expenditure Program, ₱4.12B ang ilalaan para sa intelligence funds sa ilalim ng ₱3.7T na panukalang pondo para sa susunod na taon.

Mas mataas ito kung ikumpara sa ₱3.49B na intelligence funds ng gobyerno ngayong 2017.

Ayon sa Makabayan bloc sa Kamara, kanila nang inisyal na nasilip ang 2018 proposed National budget.

Nakita nila na ₱1.2B ang nakalaan  na intelligence fund sa 2018  para sa Office of the President.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *