Ipinakikilala, ang taxi driver na nag-viral!

Mga kapitbahay, magandang araw sa inyong lahat!

Kamakailan ay nakakuwentuhan natin ang isang nag viral sa social media ang kababayan nating taxi driver na si Michael Dungan.

Bakit siya nag-viral?

Eto po ang kuwento …

Twelve years na siyang taxi driver, at marami ng naging karanasan sa pagmamaneho, masaya at malungkot.

At isa na sa hindi malilimutan ay nang mapagbintangan siya na kumuha ng mga gamit ng kaniyang pasahero.

Ipinakulong siya ng limang araw pero, kalaunan ay nadismiss ang kaso dahil walang matibay na ebidensya.

Paglabas niya ng kulungan, sumalubong sa kaniya ang mga pagkakautang dahil sa limang araw na hindi siya nakapagmaneho at walang panustos ang kaniyang pamilya.

Sa kabila nito sabi ni Mike, mas marami pa ring magagandang karanasan ang nangyari sa buhay niya.

At isa na nga rito ay nangyari nuong madaling araw ng Enero uno, 2023 nang maiwan ni Jakob, anak ng aktres na si Ms. Ina Raymundo ang cellphone nito sa taxi ni Mike.

Naisakay daw niya si Jakob sa Bonifacio Global City (BGC) at nagpahatid sa isang subdivision, at nang makarating ay bumaba.

Nang makaalis na si Mike ay napansin na may naiwang cp sa taxi niya.

Ang ginawa niya palibahasa hindi naman niya alam kung saang bahay pupuntahan ang naging pasahero ay hinintay ang tawag dahil ang inisip ay tiyak na tatawag ito.

Tama naman dahil sa ilang sandali ay may tumawag na babae na nagpakilalang kapatid na babae ng may-aring cellphone.

Kaso, hindi sila magkaintindihan dahil sabi nga ni Mike ay nag-i-english kasi. At binabaan siya ng phone.

So, naghintay siya ulit ng tawag at tama naman dahil may tumawag nga at ang nagregister na pangalan ay ‘Mom’ at laking pasalamat niya dahil nagtatagalog ito.

Nagkausap sila ng ‘mom’ at sinabi ni Mike na may rules ang kanilang kumpanya na maliit o malaking bagay na maiwan sa taxi ay dalhin sa garahe para kung sakaling maplakahan o makuhanan ng CCTV ay sa garahe na lamang kunin.

Ibinigay sa kaniya ng kaniyang kausap ang exact address at contact number kaya pinuntahan niya ang lugar para duon ibigay ang cellphone.

At laking gulat niya nang makita sa gate ang isa sa kaniyang hinahangaang aktrtes na si Ina Raymundo na siyang ‘mom’ nang nakaiwan ng cellphone sa kaniyang taxi. Sabi ni Mike, na star struck daw siya!

Samantala, marami pa ring mga pagkakataon na nakakaiwan ang kaniyang pasahero ng iba ibang bagay sa kaniyang taxi na naisosoli naman sa mga may-ari.

Naibahagi din niya na hindi niya pinag-iinteresan na angkinin ang hindi naman sa kaniya.

Kahit gaano pa kamahal ang mga cellphone na karaniwang naiwanan dahil siya mismo ay nahablutan na ng cellphone at talagang napakasakit sa kaniyang kalooban nang mawala ito dahil ang tagal din niya itong pinag-ipunan.

Naikuwento din niya na palibahasa ay nag viral nga ang nangyari sa kaniya nang maisoli ang cellphone ng anak ni Ms. Ina Raymundo, may mga nakakakilala na sa kaniya. Katunayan, isang pasahero ang nagpa picture sa kaniya at nagbigay ng sobra sa taxi fare nito.

Sana ay maging inspirasyon ang naging karanasang ito ni Mike at
naniniwala akong marami pang tulad ni Mike Dungan tayong kapitbahay.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.