Ipinatutupad na curfew sa Metro manila, tatanggalin na

Simula bukas tatanggalin na ang ipinatutupad na curfew sa Metro manila.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos , batay ito sa Resolution No. 21-25 na inaprubahan ng labimpitong alkalde sa Metro Manila.

Nakipagpulong aniya ang mga alkalde sa mall owners at napagkasunduan na i adjust ang operasyon ng mga mall mula alas onse ng umaga hanggang alas onse ng gabi na magsisimula sa November 15.

Ito’y para makapagsagawa sila ng mallwide sale at bumalik ang sigla ng negosyo na hindi makakaapekto sa daloy ng trapiko.

Paglilinaw naman ni Abalos , mananatili ang umiiral na curfew sa mga menor de edad batay sa mga ipinatutupad na ordinansa ng mga lungsod.

Meanne Corvera

Please follow and like us: