Isa ang patay sa nangyaring landslide sa Calamba, makaraang ma-trap sa loob ng bahay

Photo: BFP-Calamba

Isa ang nasawi matapos gumuho ang mga bahay malapit sa ilog, matapos nitong umapaw sanhi ng malakas na pag-ulan at malakas na hanging dala ng bagyong Paeng.

Ang biktima na nakilalang si Reggie Aborde, 22-anyos, ay na-trap sa loob ng gumuhong bahay, bunsod ng pagragasa ng tubig na may kasamang putik noong Sabado.

Photo: BFP-Calamba

Agad namang nagsagawa ng retrieval operation ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection o BFP Special Rescue Force ng Region IV-1, BFP-Calamba, Calamba Disaster Risk Reduction Management at Philippine National Police o PNP-calamba sa Barangay Parian sa Calamba City, Laguna sa pinangyarihan ng landslide.

Ang labi ng biktima na dinala sa punerarya upang isailalim sa awtopsiya, ay nitong Linggo na nakuha makaraang humupa ang tubig-baha.

Photo: BFP-Calamba

Samantala, hanggang ngayon ay may mga barangay sa Calamba na wala pa ring suplay ng kuryente at maraming mga residente na nasa evacuation center pa rin.

Ronaldo Duran

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.