Isa pang Olympic gold, posible matapos ang 1st round KO win ni Eumir Marcial

Isa na namang Olympic medal ang siguradong maiuuwi ng Pilipinas mula sa Tokyo Olympics matapos pabagsakin ni Eumir Marcial ang Armenian boxer na si Arman Darchinyan sa men’s middleweight quarterfinals.

Unang round pa lamang ay hindi na pinaporma ni Marcial si Darchinyan hanggang sa mapabagsak niya ito makalipas ang 2 minuto at 11 segundo sa first round.

Dahil sa panalo, nakasisiguro na si Marcial na makapag-uuwi ng Olympic bronze medal.

Ang sunod na laban ni Marcial ay sa Agosto 5 sa semi-finals patungo sa pinaka-aasam-asam na Olympic gold medal.

Please follow and like us: