Isa pang PMA cadet, nadagdag sa listahan ng mga suspek sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio

Isa pang kadeta ang nadagdag sa listahan ng mga suspek sa pagkamatay ng Philippine Military Academy (PMA) cadet na si Darwin Dormitorio.

Ayon kay Police Colonel Allen Ray Co, director ng Baguio City police, isa pang second class cadet ang itinurong dawit sa ginawang pagpapahirap o hazing laban kay Dormitorio.

Hindi muna pinangalanan ang pang-anim na suspek na kasalukuyan pang inimbestigahan.

Ito umano ang sumipa kay Dormitorio nang makita itong natutulog sa kaniyang kama.

Una nang tinukoy sina Cadet 1st class Axl Sanopao, Cadets 3rd class Felix Lumbag Jr., at Shalimar Imperial na nagsagawa ng hazing sa biktima bago ito natagpuang walang malay sa kaniyang silid.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *