Isang apartment building sa London, nasusunog

london2

Courtesy of Wikipedia.org

 download
courtesy of wikipedia.org

Isang malaking sunog ang nagaganap sa dalawampu’t pitong palapag na apartment building sa West London.

Ayon sa London fire brigade, halos dalawangdaan miembro ng pamatay sunog at dalawampung fire trucks ang idineploy para apulain ang sunog at mailikas ang mga residente.

Halos buong apartment building ang nilamon ng nalalagablab na apoy.

Ang nasusunog ay ang Grenfell Tower na nasa Lancaster West estate sa North Kensington.

Marami sa mga residente ng apatment building ang nailikas ngunit hindi pa tiyak na bilang ang nakulong  at  hindi na nakalabas.

Ilan sa mga nakulong na residente  ang tumalon mula sa natutupok na gusali.

Pinangangambahan naman ang pagguho ng naturang building.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *