Isang bangkang pangisda lulan ang 7 Pinoy at 2 dayuhan lumubog sa Brunei – DFA

Nagpapatuloy ngayon ang search and rescue operations sa lumubog na fishing vessel sa karagatang sakop ng Brunei kung saan sakay ang 7 Filipino crew at apat na iba pang dayuhan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), batay sa report ng Philippine Embassy sa Brunei, dalawa pa lamang sa apat na crew ng Radims 2  ang na-rescue.

Nabatid na ang huling komunikasyon sa may-ari ng Radims 2 at kapitan ng fishing vessel ay noon pang Miyerkules, August 7.

Humingi na ng assistance ang Brunei sa National Search and Rescue Coordination committee sa Malaysian Maritime Enforcement agency.

Tiniyak naman ng DFA na patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon.

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *