Isang bangkay natagpuan sa ilog sa Baler, Aurora

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang lumulutang sa Kinalapan river sa Baler, Aurora.

Dakong alas sais ng umaga nang mapansin ng isang mangingisda ang bangkay sa ilog.

Sa inisyal na report ng Baler PNP na pinamumunuan ni P/Maj. Ferdinand Usita, tinatayang nasa 60 anyos ang lalaki na walang ibang pagkakakilanlan kundi ang suot nitong black short at gray t-shirt.

Isasailalim sa otopsiya ang bangkay upang matukoy ang dahilan ng kanyang pagkamatay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ayon sa pulisya, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang himpilan ang sino mang may nawawalang kaanak sa kanilang hotline number 0908-5264-029.


Daceryll Rivera

Please follow and like us: