Isang empleyado ng VMMC, isinugod sa ER matapos mahilo at magka-rashes pagkatapos bakunahan ng Sinovac

Isang civilian employee ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang isinugod sa Emergency Room matapos mabakunahan ng Sinovac.

Nakaramdam ng pagkahilo ang isang 40-anyos na empleyado at nagkaroon ng rashes, 5 minuto matapos siyang mabakunahan.

Ayon sa pamunuan ng VMMC, dinala siya sa ER para malapatan ng lunas kung kinakailangan.

Pero maliban sa nasabing empleyado, wala pa namang naiulat na nakaranas ng anumang sintomas sa mga nabakunahan.

Nassa 1,000 katao ang target mabakunahan sa VMMC na ginagawa sa mismong Out-Patient Department ng ospital habang sa Parking area naman isinagawa nag Registration, screening at post Vaccination area kung saan inoobserbahan ang mga nabakunahan.

Meanne Corvera

Please follow and like us: