Isang inmate, patay sa pananaksak sa Bilibid

Kinumpirma ng Bureau of Corrections na namatay ang isang inmate sa New Bilibid Prison matapos na saksakin ng kapwa preso.

Ayon sa BuCor, naganap ang pananaksak nang magsisimula na ang Oplan Galugad sa Medium Security Compound noong Hunyo 1.

Nangyari ang insidente sa isa sa mga gusali sa loob ng MedSeCom.

Narespondehan naman ng BuCor security personnel ang stabbing incident at nahuli ng mga kapwa inmate ang suspek.

Sinabi naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hinihintay pa niya ang report ng BuCor sa nangyaring kaguluhan sa Bilibid.

Samantala, nakumpiska ng BuCor sa Oplan Galugad nito sa Maximum Security Compound at MedSeCom ang daan-daang kontrabando.

Courtesy: BuCor

Kabilang sa mga nasabat sa operasyon ay cellphones, pocket WiFis, improvised bladed weapons, mga pana at mga bolo.

Courtesy: BuCor

Moira Encina

Please follow and like us: