Isang kapampangang guro, magiging kinatawan ng bansa sa isang event sa Singapore

Pinarangalan bilang DepEd TV National Teacher Broadcaster, Jury’s Choice Awardee at National Winner sa DepEd TV Philippines for Best Children’s Program, si Ms. Marilyn Escoto na isang Filipino teacher at tubong Porac, Pampanga.

Siya rin ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping Asian Academy Creative Awards sa Singapore, sa darating na Disyembre.

Nagpasalamat naman si Escoto na kasama sa Batch 2 Delta B Scholar kay Governor Dennis “Delta” Pineda sa pagbisita nito sa kapitolyo, at patuloy na pagtulong sa mga gaya niyang guro.

Nangako ang gobernador ng lalawigan, na susupprtahan si Escoto at bibigyan ng munting regalo bago ito lumipad patungong Singapore sa Disyembre.

Isa rin sa mga nagpaabot ng suporta sina 2nd District Board Member Fritzie David-Dizon at Anthony Joseph “Tonton” Torres, para sa pride ng Pampanga

Daivin Zcionne Gopez

Please follow and like us: