Isang lalaki, patay sa pamamaril sa Payatas road, QC

Patay ang isang lalake matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspect sa Payatas Rd. Quezon City kagabi.

Ang biktima ay nakasuot ng gray T-shirt at pulang shorts.

Ayon sa mga residente,  kasama ng biktima ang kanyang asawa na siyang humingi ng tulong sa mga pulis.

Nakarinig umano putok ng baril ang mga residente bago natagpuang nakahandusay ang biktima.

Tinamaan pa sa lakas ng putok ang windshield ng truck na nasa lugar.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Wala namang nakuhang identification card ang SOCO na makakatukoy sana sa pagkakakilanlan ng biktima.

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *