Isang Ospital sa Maynila, nasunog

Nasunog ang bahagi ng Hospital of the Infant Jesus Medical Center sa Laong Laan corner Lacson sa Maynila.

Ang sunog nagsimula bandang 4:44 ng umaga at umakyat hanggang sa 1st alarm hanggang sa naideklara itong fire out bandang 7:36 ng umaga.

Ayon sa BFP, sinasabing nagsimula ang sunog sa isang opisina ng ospital.

Ilan sa inilabas na pasyente galing sa general ward pero wala namang kritikal.

Matapos maapula ang sunog at maiayos ang mga kwarto, naibalik narin naman ang mga pasyente sa loob.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nangyaring sunog.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: