Isang RORO Vessel sumadsad sa Igbon at Agho Island sa Iloilo


Sumadsad ang RORO Vessel na MV FILIPINAS CEBU malapit sa Igbon at Agho Island sa Concepcion, Iloilo kagabi.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard, ang nasabing RORO Vessel na pag-aari ng Cokaliong Shipping Lines ay umalis sa Iloilo bandang 07:14 pm kagabi at patungo sana sa Cebu.

Ligtas naman ang 223 pasahero at 38 crew ng barko habang hinihintay ang pagdating ng MV NASIPIT para mailipat ang mga ito at maihatid sila sa kanilang destinasyon.

Agad namang nagpadala ng mga tauhan ang PCG maging ang Concepcion Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para umasiste.

Ang Marine Environmental Protection Unit ng PCG ay agad ding nagsagawa ng assessment sa bisinidad pero wala namang nakitang oil spill o tumagas na langis mula sa barko.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: