Isang taong gulang na bata sa Sta. Rosa city, Laguna na nagpositibo sa Covid 19, gumaling na

Nakarekober na ang isang taong gulang na batang lalaki sa Sta. Rosa city, Laguna na una nang nagpositibo sa Covid- 19.

Ayon sa pamahalaang lungsod ng Sta. Rosa, negatibo na ang resulta ng Covid-19 test sa bata at hinihintay na lamang na tuluyan itong makalabas ng pagamutan.

Ang bata ang ika- 11 Covid patient sa Sta. Rosa na gumaling sa sakit.

Sa datos ng lokal na pamahalaan, 50 percent ng mga kaso sa Sta. Rosa ang nakarekober.

Sa kasalukuyan mayroon pang 10 Covid-19 patients sa lunsod ang patuloy na ginagamot habang may dalawang pumanaw na.

Sa kabuuan, 23 na ang naitalang kaso ng Covid-19 sa lunsod.

Ulat ni Moira Encina


Please follow and like us: