Israeli NGO namahagi ng hygiene kits at food packs sa mga naapektuhan ng Odette sa Negros

Namigay ang Israeli NGO na IsraAID ng mga hygiene kits at food packs sa mahigit 3,000 katao na naapektuhan ng bagyong Odette sa Negros.

Ayon sa IsraAID, umaabot sa 600 hygiene at resilience kits ang ipinamahagi ng mga staff at volunteers.

Courtesy: IsraAID

Naglalaman ito ng sabon, kumot, de latang pagkain at iba pa.

Nakikipagugnayan ang grupo sa lokal na pamahalaan para makatulong sa pangangailangan sa shelter at basic supplies ng mga nawalan ng bahay.

Una rito ay naglunsad ang IsraAID ng emergency response at donation drive para sa mga sinalanta ng bagyo.

Nakatuon ang NGO sa pagkakaloob ng malinis na tubig, hygiene supplies at psychological first aid sa Leyte, Cebu, at Negros Islands.

Moira Encina

Please follow and like us: