Itinatayong 200-bed capacity na Isolation facility sa Navotas, malapit nang matapos

Inanunsyo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary at Isolation Czar Mark Villar na malapit ng matapos ang itinatayong isolation facility sa Navotas.

Ayon kay Villar, ang nasabing pasilidad ay mayroong 200 bed capacity na nasa Navotas Centennial Park sa C-4 Road.

Tiniyak ni Villar na minamadali na nila ang pagtatayo ng pasilidad para matulungan ang tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa Navotas.

53 container vans ang ikino-convert bilang isolation facility para makatulong na madagdagan ang isolation units sa lungsod.

Ayon sa DPWH ang 50 container van ay hahatiin sa 200 kwarto na may mga comfort room habang ang natitirang 3 container van ay magsisilbi namang nurse station, triage area, at sanitation room.

Madz Moratillo

Please follow and like us: