Itinatayong Quarantine Facility sa Calamba city, Laguna, malapit nang matapos

Inaasahang sa loob ng isang linggo ay matatapos na ang  itinatayong Quarantine facility sa Calamba city.

Nasa huling stages na ng pagsasa-ayos at konstruksyon ang ang naturang pasilidad para sa mga asymptomatic patient ng Covid 19.

Ang naturang facility ay matatagpuan sa Lecheria National High School.

Ayon kay Calamba City Mayor Timmy Chipeco, pinayagan na rin  ng DepEd na gawing quarantine facility ang mga public schools sa kanilang lugar, subalit hanggang sa katapusan na lamang ng taong ito.

Umaasa naman ang alkalde na makatutulong ng malaki sa lungsod ang mga ipinagawang quarantine facility para sa mga  probable cases ng Covid 19.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

Please follow and like us: