James, naka-score ng 34 sa ikawalong sunod na panalo ng Lakers

LOS ANGELES, United States (Agence France-Presse) – Nakagawa si LeBron James ng isang season=high 34 points, sa ika-walong sunod na panalo ng Los Angeles Lakers.

Sa road game ng Lakers laban sa Milwaukee Bucks, natapos ang laro sa score na 113-106 pabor sa Lakers.

Ang naturang panalo ay nagbukas sa seven game road trip para sa NBA champion Lakers, na umaasang iyon na ang simula ng isa pa nilang panalo.

Naputol ang five-game winning streak ng Lakers, nang matalo sa score na 115-113 pabor sa Golden State.

Si James ay nakagawa ng three pointer sa final 2-minutes, at tinapos ang gabi ng laro sa isang double clutch slam dunk sa natitirang 15-seconds, sa laban nila kontra Bucks sa Fiserv Forum sa Milwaukee.

Si Kentavious Caldwell-Pope ay nakagawa naman ng 23 points, habang ang forward na si Anthony Davis ay nag-ambag ng 18 points at siyam na rebounds sa panalo ng Lakers.

Si Alex Caruso ay nakagawa rin ng three poniter tulad ni James sa final two minutes ng laro.

Para sa ibang team, maaaring challenging ang seven-game road trip pero hindi para sa Lakers, na may pinakamahusay na record sa NBA.

Liza Flores

Please follow and like us: