Japanese fugitive at American tourist na overstaying na sa bansa, inaresto ng BI

0
BI LOGO

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Japanese fugitive sa Pampanga, na hinihinalang miyembro ng notorius na Luffy Fraud syndicate.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang Japanese ay nakilalang si Odaira Kai, 35 anyos, na naaresto sa isang condominium unit sa San Fernando City, Pampanga.

Photo courtesy: BI

Ang pag-aresto aniya rito ay request ng Japanese government.

Si Kai at mga kasabwat umano nito ay nagpapanggap umanong law enforcers at nambibiktima ng mga may edad at hinihingi ang kanilang ATM card.

Photo courtesy: BI

Nasa higit apat na milyong Yen o katumbas ng US$27,000 umano ang nakulimbat ng mga ito.

Samantala, arestado rin ng BI ang isang turistang Amerikano na nag-overstay sa bansa.

Ayon kay Viado, si Evan Ronald Berlin, 31 anyos ay inaresto dahil pambubugbog umano sa loob ng isang hotel sa Paranaque City.

Photo courtesy: BI

Nahaharap na rin siya sa deportation complaint dahil sa pagiging undesirable alien.

Nakaditini na si Kai at Berlin sa custodial facility ng BI sa Ca,p Bagong Diwa sa Taguig.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *