JBC binuksan ang aplikasyon para sa mababakanteng puwesto sa CA at CTA

Inanunsiyo ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagbubukas ng aplikasyon at nominasyon para sa bakante at mababakanteng puwesto sa
Court of Appeals (CA) at Court of Tax Appeals (CTA).

Ito ay para sa posisyon nina CA Associate Justices Gabriel Ingles at Edgardo Camello, at CTA Associate Justice Juanito Castañeda Jr.

Si Ingles ay nagretiro noong Pebrero 27, si Camello ay sa darating na Mayo 19, at si Castañeda ay sa Hunyo 24.

Sa abiso ng JBC, sinabi na mayroon hanggang Abril 19 ang mga interesadong aplikante para i-access ang Online Application Scheduler sa website ng JBC.

Kinakailangan na maisumite ng mga aplikante ang kumpletong digitized version ng kanilang documentary requirements at letter of intent sa pinilig petsa at oras ng appointment.

Isa sa mga requirements ay ang SALN ng mga aplikante.

Pinaalala ng JBC na ang kabiguan na magsumite ng SALN ay batayan para sa disqualification ng aplikante dahil ito ay hinihingi ng Saligang Batas.

Moira Encina

Please follow and like us: