JBC binuksan na ang aplikasyon para sa bakanteng pwesto sa Korte Suprema at iba pang judicial posts

supreme court

Bukas na ang aplikasyon at nominasyon para sa mga bakanteng pwesto sa hudikatura.

Inanunsyo ng Judicial and Bar Council na pwede nang magsumite ng aplikasyon o nominasyon para sa mga posisyon sa Korte Suprema, Family Courts, at Legal Education Board.

Ang pwesto sa Supreme Court ay para sa binakanteng posisyon ni Associate Justice Priscilla Baltazar- Padilla na nagretiro ngayong buwan.

Ang mga interesadong aplikante ay dapat bisitahin ang official JBC website na www.jbc.judiciary.gov.ph at i- access ang Online Application Scheduler para sa karagdagang detalye.

Moira Encina

Please follow and like us: