JBC binuksan na ang aplikasyon para sa mga babakantehing pwesto sa Korte Suprema nina Justices Antonio Carpio at Francis Jardeleza

Nagsisimula nang tumanggap ang Judicial and Bar Council ng aplikasyon at nominasyon para sa mga babakantehing pwesto sa Korte Suprema nina Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justice Francis Jardeleza.

Nakatakdang magretiro si Jardeleza sa September 26, 2019 habang si Carpio ay sa October 26, 2019.

Kasabay nito, binuksan na rin ng JBC ang aplikasyon at nominasyon para sa mababakakanteng pwesto sa Legal Education Board.

Ito ay para sa mga posisyon nina LEB Chair Emerson Aquenda at LEB Regular Member Zenaida Elepaño na parehong nagtapos ang termino noong nakaraang Enero.

Ayon sa abiso ng JBC, mayroong hanggang July 30, 2019 ang mga interesadong aplikante na magsumite ng mga requirements.

Ulat ni MOira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *