JBC binuksan na ang aplikasyon sa binakanteng associate justice post ni Chief Justice Alexander Gesmundo

Inanunsyo ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagbubukas ng aplikasyon at nominasyon para sa associate justice post sa Korte Suprema na binakante ni bagong Chief Justice Alexander Gesmundo.

Sa abiso ng JBC, sinabi na ang mga interesadong aplikante ay dapat na bisitahin ang official JBC website na jbc.judiciary.gov.ph at i-access ang Online Application Scheduler sa pagitan ng alas-8 ng umaga at alas- 12 ng hatinggabi hanggang sa Mayo 10.

Makatatanggap ang mga aplikante sa kanilang email address ng computer-generated letter of intent sa oras na masagutan ang hinihinging impormasyon sa Online Application Scheduler.

Kailangan na isumite ng mga aplikante sa pamamagitan ng email ang kumpleto at accurate digitized version ng kanilang letter of intent at documentary requirements sa kanilang piniling petsa at oras ng appointment.

Kabilang sa mga documentary requirements ay ang lahat ng SALN ng aplikante sa nakalipas na 10 taon kung ito ay nasa government service habang ang nasa pribadong sektor ay ang SALN lang nito noong Dec. 31, 2019

Binigyang -diin ng JBC na batayan para sa diskwalipikasyon ng aplikante ang kabiguan na magsumite ng SALN.

Moira Encina

Please follow and like us: