JBC, binuksan na ang nominasyon sa babakantehing puwesto ni Court of Appeals Presiding Justice Romeo Barza

Binuksan na ng Judicial and Bar Council ang nominasyon at aplikasyon para sa mababakanteng pwesto sa Court of Appeals.

Ito ay para sa posisyon ni CA Presiding Justice Romeo Barza na magreretiro na sa Agosto 2.

Ayon sa abiso ng JBC, mayroon hanggang September 10, 2019 ng alas kwatro y medya ng hapon ang mga aplikante na magsumite ng aplikasyon o rekomendasyon.

Para sa mga nominasyon, kailangan ay may kasama itong conforme o dokumento na nagsasabing tinatanggap ng nirekomenda ang nominasyon sa kanya.

Dalawang set ng documentary requirements ang kailangang isumite sa JBC ng mga aplikante kabilang na ang iba’t ibang clearances at medical records.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.