JBC isinumite na sa Malacañang ang mga shortlists para sa mga bakanteng pwesto sa CA, Sandiganbayan, at CTA

Natanggap na ng Malacañang ang magkakahiwalay na shortlists na isinumite ng Judicial and Bar Council para sa mga bakanteng posisyon sa Court of Appeals, Sandiganbayan, at Court of Tax Appeals.

Kabuuang 36 ang kabilang sa shortlist ng JBC para sa anim na bakanteng pwesto sa CA.

Apat sa mga nasabing posisyon ay ang iniwan nina Associate Justices Rodil Zalameda, Edgardo delos Santos, Mario Lopez at Samuel Gaerlan na itinalaga sa Korte Suprema.

May 15 naman na kasama sa shortlist para sa dalawang posisyon sa Court of Tax Appeals.

Walo naman ang pasok sa listahan na pagpipilan ng presidente sa isang bakanteng associate justice post sa Sandiganbayan.

Moira Encina

Please follow and like us: