JBC, isinumite na sa Malacañang ang shortlist para sa mababakanteng pwesto sa Korte Suprema

Pasok ang pitong aplikante sa shortlist ng Judicial and Bar Council para sa babakantehing pwesto sa Korte Suprema ni Justice Jose Reyes Jr na magreretiro sa September 18.

Kabilang sa mga ito ang anim na mahistrado ng Court of Appeals na sina Associate Justices Ramon Cruz, Japar Dimaampao, Jhosep Lopez, Eduardo Peralta Jr., Ricardo Rosario at Maria Filomena Singh.

Kasama rin sa shortlist si Court Administrator Jose Midas Marquez.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, naisumite na ng JBC sa Malacañang ang nasabing listahan ng mga pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pirmado ni Chief Justice at JBC Ex Officio Chair Diosdado Peralta ang shortlist.

Mayroong 90 araw ang Pangulo mula nang mabakante ang pwesto para ito ay mapunan.

Moira Encina

Please follow and like us: