JBC, naghahanap na ng papalit ng mababakanteng pwesto sa SC at Sandiganbayan

Binuksan na ng Judicial and Bar Council o JBC ang paghahanap ng mga  papalit sa magreretirong  sina Supreme Court Associate Justice  Jose Mendoza  at Sandiganbayan Justice Maria Cristina  Cornejo.

Ayon sa JBC ang deadline para sa paghahain ng aplikasyon o rekomendasyon at kumpletong documentary requirements ay sa Mayo 23 .

Si Mendoza ay nakatakdang umalis  sa hudikatura  matapos na umabot sa mandatory  retirement age na 70 sa august 13 habang si Cornejo ay maagang magreretiro matapos na aprubahan ng Supreme Court ang kanyang  disability retirement noong isang buwan.

Si Cornejo ay naka sick leave  simula  pa noong June 2016  matapos na ma-diagnose na may lupus, hypertension, kidney problem , colon cancer at cerebrovascular disease.

 

Please follow and like us: